Tag Archives: Mindanao Daily Mirror

Mga Panayam at Pahayag Hinggil sa Usapang Pangkapayapaan sa Pagitan ng GPH at NDFP

HINAHAMON NI SISON ANG REHIMENG AQUINO NA TANGGAPIN ANG PANUKALA NG NDFP PARA SA ALYANSA AT TIGIL-PUTUKAN

Panayam kay Prof. Jose Maria Sison, Punong Konsultant sa Pulitika ng NDFP

ni Diana Lhyd Suelto
Mindanao Daily Mirror
18 Marso 2011

Kanina lamang sa isang PRESS CONFERENCE, inilahad ni Alexander Padilla, punong negosyador ng GRP, ang ilang punto kaugnay ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDF. Nais kong makuha ang iyong komento.

1. Tumanggi ang NDF sa isang tigil-putukan habang nagpupulong sa Maynila ang Pinagsamang Komite sa Pagmomonitor.

Sagot ni Sison: Hindi sumasang-ayon ang NDFP sa GPH sa pagpeprekondisyon ng tigil-putukan sa lahat ng pormal na pulong ng mga panel sa negosasyon ng GPH at NDFP at kahit na ng mga komite sa antas subpanel dahil ang paulit-ulit na mga tigil-putukan ay naglalayong papanghinain ang rebolusyonaryong kapasyahan ng sambayanan at mga rebolusyonaryong pwersa, magpataw ng pagsuko at pasipikasyon sa NDFP at isantabi ang pangangailangang harapin ang mga ugat ng armadong labanan sa pamamagitan ng mga saligang repormang panlipunan, pang-ekonomya at pampulitika. Continue reading